LOOK: The faces of homelessness under Duterte regime
The College Editors Guild of the Philippines interviewed some of the members of the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) from Bulacan, Malabon, Montalban, and Valenzuela at the Kampuhan ng Maralita held at the Commission on Human Rights, January 23, 2020.
Here are stories on how the widespread demolition and displacement affected the urban poor under the Duterte administration.
#𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗪𝗶𝘁𝗵𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻𝗣𝗼𝗼𝗿: “Isa ako sa nakaranas [ng militarisasyon] sa Bulacan. Ang aking anak ay binugbog ng walong kabataan na alam ko ay ginamit ng kapulisan para masangkot sa gulo at patayan, pero hindi ako nagpatinag. Tinangka ring sunugin ang aking bahay, araw-araw ay binabato. Kaya inilipat ko ang aking mga anak sa ibang bahay, pero hindi ninyo ako matatakot na iwanan ang Bulacan. Hindi ako nanggulo at wala akong inaway na kapitbahay. Naninindigan ako para sa Kadamay dahil ito ay karapatan ng maralitang lungsod. Ito ang isinisigaw ng sambayanan lalo na ng Bulacan.
Ano ang meron sa mga bahay na inokupa namin? Nandiyan ang mga [bangkay] na tinokhang na tinatapon, mga nire-rape. Pero ngayon ay wala na dahil pinuno na ng mga tao. Ang masama pa nito ay ‘yong mga member namin ay pilit na pinapa-surrender, pinapangakuan na bibigyan ng livelihood, pero bakit pilit na pinapipirma at pinagma-mug shot? Iyan ang totoong nangyayari sa aming hanay.”
#𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗪𝗶𝘁𝗵𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻𝗣𝗼𝗼𝗿: “Noong January 6, may pumuntang dalawa sa bahay na nakasuot ng sibilyan. Maraming dalang delata at may emperador din. Tapos may sinuksok na envelope sa bulsa ko. May nagtanong din sa akin kung okay lang ba na bigyan daw ako ng P1,500 tuwing linggo basta pipirma raw ako bilang surrenderee o NPA. Sabi ko, puwede ba ‘yung gano’n? Paano kami magiging surrenderee, e, wala naman kaming mga baril? Sabi pa niya na siya na raw ang bahala kasi may P60,000 pa. Wow, kako. Pero, hindi namin ‘yon tinugunan. Hanggang ngayon, lagi silang pumupunta.
Kung tayo ay titigil sa community na ipaglaban [ang ating mga karapatan] lalo na katulad ko na nasa Kadamay, ano na ang gagawin ng masa? Ang masa kapag sinabi mong umalis diyan, aalis ‘yan, e. Tayo, basta nasa tamang direskyon tayo na kahit ano’ng pagpapaalis ng pulis ay hindi tayo pwedeng umalis kasi karapatan natin ang magsalita, e. Ang pagsasalita natin ay wala tayong niyuyurakan.”
#𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗪𝗶𝘁𝗵𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻𝗣𝗼𝗼𝗿: “Kapag may nag-interview sa akin na militar kung ano’ng ipinaglalaban ko, sasabihin ko na karapatan, paninindigan sa pamumuhay, at paninirahan. May pamilya ako. Dito ako natuto, dito rin lumaki ang mga anak ko. Dahil ba member ako ng Kadamay, rebelde na ako? Hindi! Ang sandata ko ay panawagan.”
#𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗪𝗶𝘁𝗵𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻𝗣𝗼𝗼𝗿: “Ang gusto ko lang mangyari ay makatulong ako sa komunidad sa Rodriguez, Rizal, Montalban na walang sariling tirahan. Bakit kami pinagbibintangang nagnakaw ng bahay? Kinasuhan ako ngayon ng attempted usurpation of real rights na hindi naman dapat. Para akong kriminal na kahit sinong mga kapulisan ang nag-piktyur sa akin — dose piktyur ang kinuhanan sa akin. Hindi naman ako mamamatay-tao. Ang dapat sana na tugusin nila ay ‘yung big-time drug lord sa Montalban
May isang pulis din na minumura ako na dapat sana ay hindi kasi nga pulis. Hindi ko lang nakuha ‘yung pangalan kasi naka-sibilyan. Iyong time na hinuli ako ay wala pa ‘yung bench warrant na sinasabi nila. Noong nasa station na kami, pinalibutan ako noon ng limang pulis para daw hindi ako makatakas.
Nakikipaglaban tayo para sa maayos na pabahay dahil ang daming bahay ang nakatiwangwang tapos paparatangin kang NPA. Sa mukha kong ito na may walong anak at may special child at isinusulong ang karapatan para sa maayos na pabahay ay tatawaging kang NPA? Bakit naman gano’n?”
According to Kadamay, around 500,000 will be displaced from 15 (out of 100) of the flagship projects under the current regime program’s Build, Build, Build. The group is also insisting that there is a resolution signed by Duterte in May that authorizes the National Housing Authority to reallocate unoccupied housing units awarded to policemen, soldiers, firemen, and jail personnel, to other qualified beneficiaries.
CEGP is one with the homeless and condemned in its strongest possible terms all of the state-sponsored attacks done by the military and police against the group’s organizers and members.
CEGP encourages all campus publications and the Filipino people to visit the Kampuhan ng Maralita to know more about their struggles.
The said campout will run until February 16.