UPHOLD PRUDENTE-RAMOS ACCORD!
Mariin at buong pwersang kinokondena ng College Editors Guild of the Philippines, ang pinakamatanda, pinakamalawak, at natatanging alyansa ng publikasyon sa Asya-Pasipiko, ang tahasang planong pagsasawalang bisa ng Prudente-Ramos Accord, na mitsa ng paglala ng pandarahas ng mga militar sa mga iskolar ng bayan.
Ang pagkakaroon ng Accord, tulad ng Prudente-Ramos Accord ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), sa pagitan ng mga militar at ng pamantasan ay isang matibay na ebidensya na nagpapakita ng matagal na panahong opresyon sa mga mamamayan. Kung kaya’t marapat lamang na tuloy ang paglaban ng mga intelektwal para sa kanilang academic freedom.
Para sa peke at hindi rehistradong Duterte Youth Party-list, na mapagbalatkayong representasyon ng mga kabataan sa Kongreso, ang hakbanging ito sa gitna ng pandemya mula sa unilateral na pangwawakas sa UP-DND Accord noong ika-labinwalong Enero na agad namang sinundan ng paghiling ng Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Cardem sa pagbuwag din ng Prudente-Ramos Accord sa PUP ay nagpapakita lamang na takot ang estado sa kakayahan ng mga iskolar ng bayan na magpatuloy na tumindig sa tama.
Kung matatandaan, lahat ng mga inihain sa Kongreso ng Duterte Youth ay taliwas sa interes ng mga kabataan — patunay na hindi prayoridad ang hanay ng mga kabataan.
Ngayon, higit kailanman, kinakailangan na magkaisa ng lahat ng mga mag-aaral, kasama ang malawak na hanay ng masang-api. Marubdob at hindi biro ang mamuhay sa ilalim ng diktador na si Duterte.
Bilang mga kabataang mamamahayag, hindi titigil ang CEGP, kasama ang iba pang publikasyong pangkampus, na tumindig at ilabas ang katotohanan ng bulok na administrasyong Duterte. Tumitindi ang paniniil sa estado, ngunit higit lalong lalaban ang mamamayang Pilipino. Hindi kami mangangatog sa takot mula sa intimidasyon at terorismo ng estado.
#DefendPUP
#DefendAcademicFreedom
#PNP_AFPKeepOutOfPUP
#JunkTerrorLaw